Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na nanatiling tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, buo pa rin ang kumpiyansa ni Duterte sa kalihim sa harap ng pagpapadala ng liham ng mga foreign service officers sa Pangulo.
Sa ngayon, mayroong positive development matapos ihayag ng Kuwaiti Government na handa itong makipagtulungan para maayos na ang gusot at matuloy na ang paglagda sa kasunduang magbibigay proteksyon sa mga OFW.
Facebook Comments