Manila, Philippines – Hindi daw peg ng aktres na si Ruffa Gutierrez na gayahin ang kaniyang ina na si Annabelle Rama sa pagiging “terror mom”.
Say ni Ruffa, never daw niyang gagayahin ang naging paraan ng kaniyang mother sa pagpapalaki sa kanila kung saan labis daw siyang hinigpitan.
Dagdag pa ng aktres, naniniwala daw siya na well-educated na ang mga kabataan ngayon kaya at kailangan lang daw niyang sumabay sa trip ng mga sariling anak.
Knows din daw ni Ruffa ang magiging resulta lalo na pagdating sa pakikiharap sa mga kalalakihan, sakaling sundan nito ang yapak ng ina.
In the end, malaki daw ang tiwala niya sa magkapatid na Lorin at Venice na lalaking matalino at hindi siya bibiguin sa mga pangarap.
Facebook Comments