TIWALA SA KAKAYAHAN | Pagkumpirma ng CA kay Health Secretary Duque, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng palasyo ng Malacañang ang pagkumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinasasalamatan nila ang CA sa pagkilala sa kwalipikasyon ni Duque para pamunuan ang Department of Health (DOH) na ngayon ay inuulan ng batikos dahil sa issue ng Dengvaxia.

Sinabi ni Roque na tiwala sila na sa ilalim ng pamumuno ni Duque sa DOH ay malalampasan nito at magkakaroon ng linaw ang issue ng Anti-Dengue Vaccine.


Matatandaan na si Duque ay tumayo naring pinuno ng Civil Service Commission at umupo narin bilang kalihim ng DOH noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Facebook Comments