Tiwala sa Pederalismo, Hiniling ni Cagayan 3rd District Congressman Randolf Ting!

*Cauayan City, Isabela- *Hiniling ni Congressman Randolf Ting ng 3rd District ng Cagayan na kailangan lamang umanong magtiwala ang taumbayan hinggil sa Pederalismong isinusulong ng Pangulo.

Ayon kay Congressman Randy Ting, isa sa tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ay ang Federalism System dahil naroon na umano ang ConCom report na naibigay na sa Pangulo maging sa mababang kapulungan ng kongreso at sa senado.

Aniya, kung tatalakayin man ng Pangulo ang Pederalismo ay sana’y maging bukas ang kaisipan ng mamamayan at magtiwala na lamang upang makamit ang pagbabago na hinahangad ng Pangulo.


Huwag din umanong isipin na ito’y para lamang sa kabutihan ng mga kongresista kundi para sa lahat ng mga Pilipino.

Samantala, umaasa naman ang kongresista na mapirmahan ang kanilang ipinapanukalang batas hinggil sa mga benepisyo at karapatan ng mga manggagawa dahil nagbigay na umano ang senado ng skedyul na tatapusin ito sa unang quarter ng 3rd regular session ng kongreso.

Facebook Comments