TIWALA | Sen. Poe, kumpyansang madidepensahan ni Trillanes ang kanyang kaso

Manila, Philippines – Kumpyansa si Senator Grace Poe na kayang depensahan ni Senator Antonio Trillanes IV ang binuhay niyang kasong rebelyon na nakasampa sa Makati Regional Trial Court Branch 150.

Ayon kay Poe, nakakalito na ipinapawalang bisa ngayon ang amnestiya na ipinagkaloob kay Senator Trillanes na dumaan at inaprubahan ng Senado at Kongreso.

Ipinunto pa ni Poe na kung kinukwestyon ang amnestiya kay Trillanes ay malalagay din sa peligro at mawawalan din ng bisa ang amnestiya na ibibigay ng gobyerno sa mga darating na panahon.


Sa ganitong sitwasyon ay paano pa aniya magkakaroon ng tiwala sa pamahalaan.

Kaugnay nito ay ipinagdadasal ni Senator Poe na maging patas ang korte para pakinggan ng mabuti ang mga argumento dahil sa tingin niya ay may basehan ang amnestiya na ibinigay kay Trillanes.

Facebook Comments