TIWALA | Senator Hontiveros, kumpyansa na walang Senador ang aatras sa resolusyon kontra sa quo warranto petition laban kay Sereno

Manila, Philippines – Tiwala si Senator Risa Hontiveros na mananatili ang suporta ng 14 na mga Senador sa draft resolution na humihiling sa Supreme Court na repasuhin ang pagpabor nito sa quo warranto petition na nagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa halip na mabawasan ay umaasa pa si Hontiveros na madadadagdagan ang mga Senador na nakalagda sa nabanggit na draft resolution.

Ang pahayag ni Hontiveros ay sa kabila na balitang may mga Senador sa mayorya na nagbabalak na bumawi ng suporta sa draft resolution kasunod ng maiinit na argumento ni Senator Panfilo Ping Lacson na inilatag sa plenaryo laban dito.


Ayon kay Hontiveros, nirerespeto niya ang opinyon ni Senator Lacson na hindi dapat manghimasok ang Senado sa mga pasya ng Supreme Court.

Gayunpaman, umaasa si Hontiveros na sa pagbabalik ng session simula July 23 ay mapagtitibay na ang nabanggit na draft resolution na gumigiit na tanging impeachment lamang ang paraan para matalsik ang impeachable officer tulad ng punong mahistrado.

Facebook Comments