TIWALA | Senator Lacson, tiwalang tama ang direksyon na tinatahak ng bagong liderato ng PNP

Manila, Philippines – Mukhang maganda para kay Senator Panfilo Ping Lacson ang direksyon na gustong tutukan ni bagong Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang deteminasyon ni Albayalde na unahin ang internal cleansing at pagdisiplina sa lahat ng kasapi ng pambansang pulisya.

Buo ang paniniwala ni Lacson na kapag may disiplina ang mga otoridad ay mas mapapadaling makamit nito ang tagumpay laban sa mga tiwali sa PNP, habang tinutupad ang misyon na panatilihin ang peace and order situation sa bansa.


Kaugnay nito ay iminungkahi ni Lacson kay Albayalde na palakasin ang Counter-Intelligence Task Force o CITF ng PNP.

Payo ni Lacson kay Albayalde, makipag-ugnayan ng mahigpit sa CITF para sa pag-build-up ng counter-intelligence laban sa mga tiwali at nangongotong na pulis.

Kaakibat nito ay pwede aniyang pakilusin ni Albayalde ang Special Action Force o SAF laban sa mga mapapatunayang tiwaling kasapi ng PNP.

Facebook Comments