TIWALANG LULUSOT | Absolute divorce at dissolution of marriage bill, tiwalang maipapasa sa plenaryo ng Kamara

Manila, Philippines – Tiwala ang House Committee on Population and Family Relations na maipapasa sa plenaryo ng Kamara ang consolidated version ng absolute divorce at dissolution of marriage bill.

Ito ay makaraang maipasa sa committee level ng Kamara ang nasabing batas.

Sa interview ng RMN sa may akda ng panukalang batas na si Albay Rep. Edcel Lagman, matagal nang isinusulong ang divorce bill sa Kamara at walang kinalaman ang katayuan ng kasal ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagkakapasa nito.


Sa ilalim ng Absolute Divorce at Dissolution of Marriage Bill, ginamit na grounds para sa legal separation at annulment o nullification of marriage ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng relihiyon at political affiliation, alcoholism, drug addiction, anim na taong pagkakulong at pagkalulong sa sugal.

Tatanggapin na ring ground para sa diborsyo kung limang taon nang hiwalay ang mag-asawa.

Kasabay nito, umapela si Lagman sa Senado na madaliin ang counter-part ng divorce bill upang maisabatas na ito.

Facebook Comments