Manila, Philippines – Nasa 129 na halal na opisyal ng gobyerno ang kabilang sa mga nalambat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga ikinasang operasyon noong 2017.
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nakapagsagawa sila ng 38,830 anti-drug operations na nagresulta sa pagkaaresto ng 75,008 na drug personalities.
Ito ay labing apat na porsyentong mataas kung ihahambing sa bilang ng mga operations na isinagawa noong 2016.
Mula sa mga naaresto, 301 dito ay mga government workers.
129 ay Elected officials habang 27 ay mga uniformed personnel at 145 ay mga government employees.
Facebook Comments