TIWALI | 2 empleyado ng LTFRB, kinasuhan

Manila, Philippines – Dalawang empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng tuluyan nang masibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Katunayan ,sinampahan na ng kasong Estafa ng LTFRB sa Quezon City Prosecutors Office si Jean Gunda, empleyado ng LTFRB National Capital Region dahil sa pangungulekta ng pera kapalit ng Prangkisa ng taxi .

Nabuking lang ang Modus ng magreklamo sa LTFRB si Rogelio Colita, ang may-ari ng taxi laban kay Gunda.


Sinabi ni LTFRB Board Member Attorney Aileen Lizada, pinangakuan si Colita ni Gunda noong Abril 2016 na mabibigyan ito ng Prangkisa kapalit ng 175 libong piso.

Pero matapos ibigay ang halagang hinihingi walang Prangkisa ang naibigay sa kanya.

Inireklamo na din sa Ombudsman si Amelia Dela Cruz, Transportation Development Officer ng LTFRB-NCR dahil sa kasong Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, Dishonesty, Grave Misconduct at Falsification of Documents.

Kinikilan din ni Dela Cruz ng 250 libong piso ang may ari ng isang UV Express para makakuha ng Prangkisa.

Facebook Comments