Manila, Philippines – Kinastigo ng Supreme Court (SC) ang apat na Regional Trial Court (RTC) judges dahil sa iregularidad sa kanilang pagtakbo sa 2013 Philippine Judges Association Convention and Elections.
Napatunayan kasi ng Korte Suprema na sina Judge Lyliha Aquino ng Manila RTC Branch 24, Judges Ralph Lee ng Quezon City RTC Branch 83 at Marino Rubia ng Biñan, Laguna RTC Branch 24 ay lumabag Section 4(A) ng Guidelines on the Conduct of Elections of Judges Association kaya sila pinagmumulta ng P21,000.
Habang si Judge Rommel Baybay ng Makati City RTC Branch 132 ay inatasang magmulta P30,000 sa paglabag naman sa Sections 4(A) and 4(D) ng kaparehong guidelines.
Nag-ugat ito sa pag-book ni Judge Aquino ng room accommodations para sa judges noong tumakbo siya bilang secretary general ng 2013 PJA Convention and Election
Si Judge Lee naman ay namahagi ng ipinagbabawal na campaign materials, tulad ng desk calendars, posters at tarpaulins.
Si Judge Baybay naman ay namahagi raw ng cellphones bilang raffle prizes habang nangangampanya sa convention.
Samantala si Judge Rubia ay napatunayang guilty dahil sa pamumudmod ng campaign kits tulad ng bag, sombrero, t-shirt at printing materials.