TIWALI | Dating BJMP region 7 officer at hipag nito arestado dahil sa pangingikil

Manila, Philippines – Arestado ang isang retired officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-7 at ang hipag dahil sa pangingikil umano ng pera sa isang aplikante ng ahensya.

Kinilala ang suspek na sina retired Jail Superintendent Priscillana Gilboy, 49, at ang hipag nitong si Fatima Gilboy.

Ayon kay Chief Inspector Chuck Barandog ng CIDG-7, may dumulog sa kanilang tanggapan na nag-aaply bilang tauhan sa BJMP kung saan sinabi nito na hiningan daw siya ng dalawa ng P30,000 kapalit ng pagproseso ng kanyang application.


Dahil dito, nagsagawa ng entrapment operation ang CIDG-7 sa isang mall sa may north reclamation area at doon nahuli ang mga ito.

Sasampahan ng kasong robbery with extortion ang mga suspek habang hindi pa nagbibigay ng komento ang tanggapan ng BJMP-7 kaugnay sa nangyari.

Facebook Comments