Maraming mga military officials pa ang maaring masibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Aniya ayaw na muna niyang pangalanan ang mga ito, dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Sakali aniyang mapatunayan ng court martial na guilty ang mga ito sa kanilang kinasasangkutang katiwalian ay hindi lang sila maalis sa serbisyo kundi mabibilango sila sa New Bilibid Prison.
Pinakahuling hinatulan ng court martial ng 6 hanggang 10 taong pagkakabilanggo sa New Bilibid Prison si Lieutenant Colonel Hector Maraña dating Philippine Military Academy Comptroller matapos na mapatunayang guilty dahil sa kasong malversation of public funds matapos na mawala nito ang labing limang milyong pisong pondo ng PMA.