TIWALI | Halos 2,000 mga pulis, natanggal sa serbisyo

Manila, Philippines – Umabot na sa 1,828 mga pulis ang nasibak sa serbisyo dahil sa iligal na droga at iba’t ibat katiwalian.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Sr. Supt Benigno Durana.

Aniya 1,828 sa mga pulis na natanggal sa serbisyo ay dahil napatunayang guilty sa iba’t ibat katiwalian


Sa bilang na ito 353 ay napatunayang sangkot sa transaksyon ng iligal na droga.

Ang datos aniya na ito ay mula July 2016 hanggang ngayong araw August 2, 2018.

Aniya, kabuuang mahigit walong libong pulis ang nakasuhan , pero 1828 dito ay sinibak sa serbisyo habang mahigit anim nalibo ay demoted, suspended, restricted, reprimanded, at inihinto ang sweldo.

Paliwanag ni Durana, ang pagsibak sa mga pulis ay patunay na hindi kinukonsinti ng kanilang hanay ang mga kasamahan nilang nasasangkot sa iregularidad na aniya ay nakakasira sa reputasyon ng kanilang organisasyon.

Tinitiyak aniya ang kanilang hanay na mas paiigtingin ang kanilang internal cleansing upang tuluyang maubos ang mga pulis scalawags sa PNP.

Facebook Comments