Manila, Philippines – Aabot sa 1,176 na pulis ang pinaniniwalaang sangkot sa iba’t-ibang ilegal na aktibidad.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, inilagay na sa watch list ng Directorate for Intelligence (DI) ang mga pulis at isinailalim sa mahigpit na monitoring ng Counter Intelligence Task Force (CITF).
Inilabas ang PNP ang datos bago ang natakdang command conference kasama si Pangulong Rodrigo Duterte bukas, June 13 para talakayin ang reorganization sa PNP at ang peace and order situation sa bansa.
Facebook Comments