TIWALI | Isang pulis, arestado sa drug buy-bust operation sa Iloilo City

Iloilo City – Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa police regional office-6 sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Calaparan, Arevalo, Iloilo City.

Sa ulat, umaabot sa 35 sachet ng shabu ang nakuha mula sa suspek na si PO2 Stephen Magno.

Nabatid na mismong si Magno ang nag-abot ng dalawang sachet ng shabu sa poseur buyer kung saan matagal nang sangkot ang pulis sa pagbebenta ng iligal na droga.


Napag-alaman na maraming mga nahuling mga pusher ang nagtuturo kay Magno na source ng illegal na droga.

Facebook Comments