TIWALI | Naarestong pulis na inireklamo dahil sa iba’t-ibang uri ng katiwalian ng PNP-CITF, umabot sa 71

Manila, Philippines – Umakyat na sa 71 mga Pulis ang naaresto ng PNP Counter Intelligence Task Force simula nang itatag ang grupo.

Ayon kay Police Senior Superintendent Chiquito Malayo, Commander ng CITF, kinabibilangan ito ng tatlong opisyal at 68 mga police non-commissioned officer.

Sinabi ni Malayo, na karamihan ng mga kaso ay kotong o robbery extortion.


Kabilang sa mga naaresto ay sina PO2 Jerry Adjani Jubail at PO1 Michael Mindevil Domalanta ng Malibay Pasay PCP na naaresto kahapon sa Extortion.

Bukod pa ito pa sa 167 na mga sibilyan na kasamang naaresto sa kanilang mga operasyon.

Umabot na rin 11, 076 na text complaint na ipinarating sa CITF pero 1, 606 lamang sa mga ito ay kinasangkutan ng mga Pulis at karamihan ay mga civilian na kaya at kanila itong ipinadala sa kinauukulang ahensya.

Paliwanag ni Malayo marami kasi sa mga Pilipino ang naniniwalang lahat ng mga reklamo ng katiwalian ay maaring iparating sa CITF.

Facebook Comments