Aabot pa sa isang libong tiwaling pulis ang isinasailaim sa surveillance ng PNP-Counter Intelligence Task Force o CITF na hindi pa rin tumitigil sa iligal na gawain.
Ayon kay CITF Director Police Senior Supt. Romeo Caramat, Senior Superintendent ang may pinakamataas na ranggong kabilang sa isang libong mga tiwaling pulis na ito.
Ayon pa kay Caramat, nangunguna pa rin sa pinakamaraming police scalawags ang National Capital Region Police Office (NCRPO).
Karamihan aniya sa mga kaso ng mga police scalawags ay may kinalaman sa iligal na droga at kidnapping.
Nakakalungkot ayon kay Caramat na may mga ganitong pulis na sa halip magpatupad ng kaayusan ay nasasangkot sa katiwalian.
Sa panunungkulan ni Caramat bilang pinuno ng CITF 4 na pulis ang napapatay sa kanilanh mga ikinasang operasyon.
Habang nasa 200 naman ang kanilang naarestong tiwaling pulis.