TIWALI | PNP, tiniyak na tutugisin ang mga kabarong nasasangkot pa rin sa katiwalian

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng pamunuan ng Philippine National Police ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan ng reward money ang sinumang pulis na makakapatay sa mga senior officials na nasasangkot sa katiwalian lalo na sa transaksyon ng iligal na droga.

Pero ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana, kahit wala o meron mang inilaang reward money ay gagawin nila ang kanilang trabaho.

Walang takot at walang pabor aniya nilang gagampanan ang mga responsibilidad na ini-atang sa kanila.


Ang suporta at political will ng Pangulo aniya sa kanilang kampanya kontra iligal na droga, kriminalidad at korapsyon ay sapat na para magkaroon sila ng motivation upang mas magampanan pa ang kanilang tungkulin para sa bayan.

Sa statement ng Pangulo, sinabi nitong magbibigay sya ng reward money na tatlong milyong piso sa bawat pulis na makakapatay ng senior official na sangkot sa katiwalian lalo na kung sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments