Tiyansa ng pagpasok ng Marburg virus sa Pilipinas, mababa ayon sa DOH

Mababa ang tiyansa ng Marburg virus na makapasok sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasunod ng pagkakatala ng Marburg virus sa Ghana.

Ayon kay Vergeire, ang naturang sakit ay native o endemic lamang sa Africa.


Sa kabilang nito, sinabi rin ng opisyal na dapat manatili pa rin maging handa ang lahat laban sa Murburg virus.

Ang Marburg virus ay isang lubhang nakakamatay na sakit na nakukuha sa pamamagitan ng human-to-human transmission via direct contact at ayon sa World Health Organization (WHO) ay naglalaro sa 24 hanggang 88 percent ang fatality rate nito.

Facebook Comments