Tiyansang makalapit sa Quiapo Church, malaking hamon para sa mga deboto ngayong new normal

Itinuturing na malaking hamon para sa mga deboto na makalapit sa Quiapo Church dahil sa dami ng tao na gustong makadalo sa banal na misa.

Ayon sa ilang deboto, halos 4 na oras na silang nakapila pero bigo pa ring makalapit sa simbahan.

Kung dati anila ay nagkakabalyahan para lang makasampa sa andas ng Poong Nazareno, ngayon nagkakabalyahan para lang makatawid sa ilang control point papasok ng simbahan.


May mga deboto rin na hindi nakakasunod sa mga patakaran kung saan gumagamit sila ng pwersa para makalusot sa harang.

Nagsimula ang misa alas-4 ng madaling araw habang ang huling misa naman ay inaasahan mamayang alas-10 ng gabi.

Kada misa napapalitan ang mga tao sa loob upang mapagbigyan naman ang ibang deboto.

Mapapansin din na hiwalay ang daanan papasok ng simbahan habang sa kabila naman ang daan palabas.

Facebook Comments