Tiyuhin na Gumahasa ng 9 na beses sa kanyang Pamangkin, Timbog

19

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa kasong panggagahasa sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Kinilala ang akusado na si Renato Diola, 40-anyos, may kinakasama, isang magsasaka at residente ng Purok Molave, Brgy. Bitnong, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMAJ. Myla Paguyo, hepe ng PNP Dupax Del Norte, taong March 2016 ng simulang gahasain ang noo’y 11-anyos na dalagita ng mismong tiyuhin nito sa isang masukal na lugar matapos sunduin ang biktima mula sa kanyang eskwelahan.

Aniya, nasundan pa ang panggagahasa sa mismong bahay ng biktima habang abala ang mga magulang nito sa kanilang bukirin.

Natigil umano ang panggagahasa sa biktima nito lamang April 2019 ng mabuntis ng kanyang nobyo ang ngayo’y 15-anyos na biktima.

Nabatid na magkapatid ang ina ng biktima at live-in partner ng naarestong akusado.




Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Paul R. Attolba Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 30, Bayombong, Nueva Vizcaya ay inaresto si Diola dahil sa siyam (9) na beses nitong pinagsamantalahan ang kanyang pamangkin.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa pansamantalang kalayaan nito habang nananatili sa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments