Tiyuhin, Tinaga ng Lasing na Pamangkin sa Sta. Maria Isabela!

35

Sta. Maria, Isabela – Tinaga ng lasing na pamangkin ang kanyang tiyuhin kagabi dahil lamang sa dating alitan ng dalawa sa Brgy. San Antonio, Sta. Maria, Isabela.

Ayon kay SPO2 Samson Canseran, investigator ng PNP Sta. Maria na ang biktima ay kinilalang si Moises Valdez Babaran, limampu’t pitong taong gulang, may asawa, isang magsasaka habang ang suspek ay kinilalang si Freddie Mamauag Babaran, nasa tamang edad, binata at pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Aniya nakaupo lamang umano ang biktima sa harapan ng kanyang bahay at lumapit ang suspek na nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin na may hawak na itak at basta na lamang pinagtataga ang biktima ng dalawang beses sa likod nito.

Sa resulta ay nagtamo umano ng malalalim na sugat sa likod ang biktima na kaagad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan, samantalang kaagad namang nahuli ang suspek at inihahanda na ang kasong pananaga laban kay Freddie Babaran.

Facebook Comments