TMC PANGASINAN, NAGSAGAWA NG FUN RUN NGAYONG CARDIOPULMONARY AWARENESS MONTH

Bilang pagsuporta sa Cardiopulmonary Awareness Month, isinagawa ng The Medical City (TMC) Pangasinan ang kanilang kauna-unahang fun run na pinamagatang “Run for Every Beat” kahapon, Agosto 31, 2025 sa kahabaan ng New De Venecia Road, Lucao, Dagupan City.

Mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad ang nakiisa sa layuning itaguyod ang kahalagahan ng kalusugan sa pangangatawan.

Ayon sa pamunuan ng TMC Pangasinan, ang fun run ay bahagi ng kanilang kampanya upang palaganapin ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga sakit sa puso at baga, at hikayatin ang publiko na mamuhay nang mas malusog sa pamamagitan ng regular na ehersisyo at tamang lifestyle.

Dagdag pa ni TMCP PRESIDENT/CEO, DR. JUAN ANTONIO MAXIMIANO R. ESCANO, M.D., bukod sa pag-oorganisa ng nasabing community fun run, iba’t-ibang programang pangkalusugan naman ang inihanda ng TMC Pangasinan para sa komunidad.

Lubos namang nagpapasalamat ang TMC Pangasinan sa mga nakilahok at sumuporta sa nasabing aktibidad at Patuloy ang kanilang pag-anyaya sa mas marami pang miyembro ng komunidad na makilahok sa mga susunod nilang health and wellness activities para sa mas malusog na kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments