TNT abot kamay na ang finals

Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT KaTropa para makapasok sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Sa ikalawang pagkakataon, pinagbagsak muli nito ang Barangay Ginebra, iskor 88-71.

Kinarga ni Jayson Castro ang TNT na may 20 points.


Ayon kay Castro – ‘one game at a time’ ang kanilang mentality.

Tiniyak naman ni Ginebra coach Tim Cone na maibabangon niya ang koponan sa game 3 nila ng TNT bukas.

Facebook Comments