TNT import Terrence Jones magmumulta ng 20,000 dahil sa pag-headbutt kay San Miguel Chris Ross

Aabot sa dalawampung libo ang multang ipapataw kay Talk N Text import Terrence Jones dahil sa pag-headbutt nito kay San Miguel Chris Ross sa kanilang laban nitong Biyernes para sa game 3 finals ng PBA Commissioners Cup.

Nabatid na nangyari ang pag-headbutt sa kalagitnaan ng First Quarter kung saan tinawagan na ng unang penalty si Jones.

Hindi naman ito nakaapekto sa laro ni Jones dahil dinala pa rin niya ang koponan para umabante sa pagkakatabla sa San Miguel at nag-ambag pa ng 37 points, 18 rebounds, 9 assist at five blocks.


Nakatakda namang ganapin ang game 4 sa Araneta Coliseum mamayang gabi.

Facebook Comments