Inilampaso ng TNT KaTropa ang Phoenix Pulse sa score na 114-88 sa PBA Commissioner’s Cup.
Bumida sa TNT si Terrence Jones na nakapagtala ng 40 points at 10 rebounds.
Hindi rin nagpaawat si RR Pogoy na nagpasabog ng walong triples para sa kanyang career-high na 31 points.
Na-eject naman sa laro sina Phoenix Pulse coach Louie Alas dahil sa naging partisipasyon nito sa nangyaring away kung saan natanggal din ang kambal na sina David at Anthony Semerad at Jason Perkins.
Habang na-eject naman si Calvin Abueva matapos na patawan ito ng flagrant foul penalty two matapos nitong i-clothesline si Jones sa final canto.
Tanggal din si Dickel dahil sa dalawang technical fouls na nakuha nito matapos makipagtalo sa mga referees sa first quarter.
Samantala, binigo naman ng Blackwater ang Rain or Shine sa score na 98-92.
Nanguna sa Blackwater si Allein Maliksi na mayroong 19 points.
Umalalay din sina Bobby Ray Parks Jr. at Mike Digregorio na kapwa pumoste ng tig-16 points, maging sina import Alex Stepheson 13 at Roi Sumang 11.
Makailang beses na ipinilit ng Elasto Painters na makalapit sa huling yugto pero naging palaban ang Elite.