TNT Ka-Tropa Coach Nash Racela, tanggap na ang pagkatalo sa San Miguel Beermen sa finals ng PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Tanggap na ngayon ni TNT Katropa Coach Nash Racela na natalo sila sa San Miguel Beermen sa finals ng PBA Commissioners Cup.
Ayon kay Racela, aminado siyang nagkaron ng lapses sa kanilang koponan at iyon ang naging dahilan para manalo ang Beermen na itinuturing niyang isa sa pinakamalakas na koponan sa PBA.
Napansin din ni Racela na isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mga turn-over ng kanilang mga players kung kailan nila ito binabawasan.
Dadag pa ni Racela, na sa susunod na conference ay siguradong magkakaroon sila ng pagbabago hindi lang sa style ng mga plays kundi maaring sa kanilang mga manlalaro.

Facebook Comments