TNT Ka-Tropa Coach Nash Racela, walang planong magpalit ng import sa game-4 ng PBA commissioners cup finals

Manila, Philippines – Sa kabila nang pagkatalo sa game-3, desidido pa din si TNT Ka-tropa Coach Nash Racela na panatiliin bilang kanilang import si Joshua Smith.

Ayon kay Racela, wala na sa kanilang plano na palitan pa si Smith dahil sa naging maganda naman ang performance nito noong game-3 na nakakuha ng 18-points at 14-rebounds sa loob ng 24-minutes na paglalaro.

Sinabi pa ni Racela na sisikapin nilang makahanap ng solusyon para mabawasan ang mga pagkakamali na kanilang nagagawa kada laro na kung saan nakakuha sila ng 23 turnovers noong nakaraang game.


Tiniyak naman nito na babawi sila sa game-4 at sisikapin nilang maitabla ang serye kontra San Miguel Beermen sa laro mamaya na mapapanood sa Araneta Coliseum, alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments