TNT Ka-Tropa, hindi pa din magpapa-kampante sa magiging laban kontra Brangay Ginebra mamaya sa game-3 ng semifinals series ng PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Hindi pa rin magpapakampante si Coach Nash Racela kahit pa hawak nila ang 2-0 lead kontra barangay Ginebra sa semifinals ng PBA Commissioners Cup.

Ayon kay Coach Racela, hindi nila minamaliit ang team ng ginebra na mayroong “Never Say Die Spirit” kaya’t kanila pa din pinag-aaralan kung paano nila ito matatalo mamaya sa game 3 na gaganapin sa MOA Arena.

Alam din ni Racela na gumagawa na ng defensive play si Ginebra Coach Tim Cone kung paano mapipigilan ang kanilang import kaya’t umaasa siya sa tulong ng mga local players.


Kung sakaling manalo, ito na ang kanilang ika-labing pitong finals appearance at muling pagbabalik sa championship game makalipas ang halos dalawang taon.

Facebook Comments