TNT Ka-Tropa, kinumpirma ang paglalaro ng kanilang import na si Joshua Smith kontra Barangay Ginebra

PBA – Kinumpirma ng TNT Ka-Tropa na maglalaro ang kanilang import na si Joshua Smith sa game-4 ng semifinals series ng PBA Commissioners Cup kontra Barangay Ginebra.

Matatandaang nagtamo ng injury ang 6’10 na si Smith sa kanang paa nito noong game-3 kaya’t hindi na ito ipinasok sa second half at tuluyang natalo ang TNT sa score na 125-101.

Pipilitin naman ng Ka-Tropa na manalo mamaya laban sa Ginebra para muli nilang makaharap sa finals ang San Mgiuel Beermen na una nang tinalo ang Star Hotshots sa 3-1 series.


Facebook Comments