TNT Katropa, pasok na sa semis matapos talunin ang Meralco Bolts sa PBA Commissioners Cup

73

PBA – Tuluyan ng nakapasok sa semifinals ng PBA Commissioners Cup ang TNT Katropa matapos talunin ang Meralco Bolts sa overtime game sa iskor na 104-96.

Kapwa nakapagtala ng 31 points sina Joshua Smith at Jayson Castro.


Mayroon namang 27 rebounds si Smith habang mayroong tatlong rebounds, dalawang assists at tatlong steals si Castro.

Sa unang quarter pa lang ay hawak na ng TNT ang kalamangan hanggang sa nahabol ito ng bolts pagpasok ng second quarter.

Dahil sa panalo ay makakaharap ng tnt ang Barangay Ginebra San Miguel para sa best-of-five semis na magsisimula sa Linggo, June 11.
DZXL558

Facebook Comments