TNT KaTropa, road to championship na!

Pasok na sa finals ang TNT KaTropa matapos talunin ang Barangay Ginebra 103-92.

Binitbit ni Terrence Jones ang TNT na may 24 points at 13 rebounds at nag-ambag si Jayson Castro ng 20 points.

Ayon kay Castro, kailangang nasusunod ang game plan at panatihin ang composure sa laro.


Itinuturing naman ni TNT coach Bong Ravena na sinuwerte lamang sila sa nasabing laban.

Pinaghahandaan naman nila ang sinumang manalo sa pagitan ng Rain or Shine at San Miguel Beermen na maghaharap ngayong araw.

Facebook Comments