TNT kaTropa, tinambakan ang NLEX Road Warriors; 102-87

Tinambakan ng TNT KaTropa ang NLEX Road Warriors sa score na 102-87 sa PBA Commissioners Cup.

Bumida si dating NBA player Terrence Jones na may 41 points.

Bagaman mabagal ang naging simula ni Jones sa unang quarter bigla naman itong umarangkada pagpasok ng second quarter.


Nagtala rin ng 11 points si Anthony Semerad habang mayroong 10 points at 9 rebounds si Kelly Williams para madala sa panalo ang TNT.

Samanatala, inilampaso naman ng NorthPort Batang Pier ang Alaska Aces sa score na 103-81.

Nanguna sa Batang Pier si Sean Anthony na nagtala ng 22 points habang mayroong 19 points si Robert Bolick.

Ayon kay NorthPort coach Pido Jarencio, isang malaking hamon sa kanila ang laban dahil sa kawalan ng kanilang manlalaro na si Stanley Pringle.

Facebook Comments