You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

TnT, naitala ang unang panalo kontra Aces

Nasungkit ng Talk ‘N Text ang kanilang unang panalo kontra Alaska Aces sa score na 81-77 sa 2021 PBA Governors’ Cup.

Bumida sa Talk ‘N Text si Jayson Castro na nagtala ng 20 points, anim na assists at 5 rebounds.

Aminado si TNT coach Chot Reyes na nagkaroon sila ng problema sa unang bahagi ng laro.

Samantala, tinambakan naman ng Barangay Ginebra ang NorthPort sa score na 108-82.

Bumida sa Gin Kings si Justin Brownlee na may 28 points, 9 rebounds at 6 assists habang nakagawa ng career-high 16 points si Arvin Tolentino.

Hindi naman nakapaglaro para sa Batang Pier ang kanilang import na si Cameron Forte dahil sa injury.

Facebook Comments