TNT, reresbak sa Beermen sa game 3 mamayang gabi

69

Muling maghaharap sa game 3 ang TNT KaTropa at San Miguel Beermen para sa finals ng nagpapatuloy na 2019 PBA Commissioners Cup.

Sasandalan ng Beermen sina import Chris McCullough, veteran guards Alex Cabagnot at Chris Ross kontra TNT.

Target namang makaresbak ng TNT KaTropa sa San Miguel sa pangunguna ni import Terrence Jones.


Matatandaang wagi ang San Miguel Beermen sa game 2 ng nasabing torneo nitong Miyerkules.

Gaganapin ang game 3 mamayang alas 7:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments