TNT Tropang Giga at Chiba Jets ng Japan B. League sagupaan mamaya sa EASL

Walang pahinga ang TNT Tropang Giga kahit araw ng Undas.

Bago pa man kasi ang pagsisimula ng kanilang kampanya sa PBA Season 48 ay makikipag-laban muna ang TNT mamaya kontra sa Chiba Jets ng Japan B. League para sa East Asia Super League.

Sa kanilang huling paghaharap noong October 11 sa Japan, tinalo ng Chiba ang TNT sa score na 93-75.


Inaashaan namang babawi ang TNT lalo na’t maglalaro ngayon sina Calvin Oftana, Jewel Ponferada, Rondae Hollis Jeferson at Quincy Miller.

Sasandalan naman ng Chiba ang imports na sina Justyn Mutts at DJ Stephens para subukang palawigin pa ang kanilang winning streak.

Gaganapin ang laban mamayang 7PM sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Ito ang unang beses na magdaraos ng laro ang EASL dito sa Pilipinas.

Facebook Comments