TNVS Community, ipinagpaliban muna ang paghahain ng reklamo laban sa LTFRB

Ipinagpaliban muna ng hatchback drivers ang paghahain nila ng reklamo laban sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago sa Office of the Ombudsman.

Ito ay upang bigyang daan muna ang nakatakdang dayalogo ng TNVS Community at LTFRB ngayong araw.

Pero nilinaw ni Hatchback Community Chairperson Jun De Leon – itutuloy pa rin nila ang pagpa-file ng complaint depende sa magiging resulta ng dayalogo.


Matatandaang ipinoprotesta ng TNVS Community ang kabiguan ng LTFRB na ipatupad ang Memorandum Circular no. 2018-005 na nagpapahintulot sa hatchback vehicles na bumiyahe bilang TNVS.

Ipinupunto rin ng grupo na lumabag ang LTFRB sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business Law na nagmamandato sa mga public agencies na magkaroon ng mabilis at maayos na transaksyon.

Facebook Comments