TNVS community, umaapela para sa amnestiya ng deactivated units

Umaapela ng amnestiya ang isang grupo ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) providers kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa 5,000 deactivated accounts nito.

Ayon sa TNVS Community Philippines – nagpadala na sila ng sulat sa Department of Transportation (DOTr) noong June 24 at sa Malacañang noong June 25 kaugnay nito.

Hiniling din nila ang uniporme at mas maayos na proseso sa pag-re-renew ng Provincial Authority (PA) at Certificate of Public Convenience (CPC).


Matatandaang ipinatupad ng Grab Philippines ang deactivation ng 5,000 Tnvs providers noong June 10 dahil sa kanilang kabiguang magsumite ng proof ng kanilang PA at CPC mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nitong June 10, nagbukas ang LTFRB ng nasa 10,000 additional TNVS slots, upang mapunan ang tumataas na demand para sa ride-hailing services.

Maliban sa Grab, ang iba pang accredited Transport Network Companies (TNCs) ay Snappycab ng Aztech Solution International Corp., E-Pick Me Up Inc., Golag Inc., Hirna Mobility Solutions Inc., Hype Transport Systems Inc., I-Para Technologies and Solutions Inc., Micab Systems Corp. at RYD Global Inc.

Facebook Comments