Nagbanta ng 12-oras na tigil-pasada ang ilang Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa Lunes, July 8.
Ito ay bilang protesta laban sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa abiso ng TNVS group, ang kanilang “TNVS Transport Holiday” ay magsisimula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Inirereklamo nila ang kumplikado at mabagal na proseso ng pagbibigay sa kanila ng provisional authority at Certificate of Public Convenience.
Wala pang tugon ang LTFRB hinggil dito.
Facebook Comments