Manila, Philippines – Humingi pa ng palugit ang Grab Philippines sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa kautusan na nagbabawal sa paggamit ng hatchback o maliliit na sasakyan.
Sa interview ng RMN Manila sa tagapagsalita ng Grab Philippines na si Leo Gonzales, sinabi niyang batay kasi sa requirements ng LTFRB hindi kailangan bumaba sa 1200 CC Rated ang mga sasakyan na gagamitin ng mga Transport Network Company.
Aniya, patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa LTFRB para makasunod kung saan kailangan pa nila kaunting panahon para dito.
Una nang iginiit ni LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada na ang pagbabawal sa mga hatchback na gamiting unit sa TNVS ay para sa kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero.
Facebook Comments