TO THE RESCUE | Stephen Curry, ipinagtanggol ang restaurant ng asawang si Ayesha sa panlalait ng mga Houston Rockets fans

To the rescue ang three-time champion at two-time NBA most valuable player Stephen Curry sa kaniyang asawang si Ayesha.

Inulan kasi ng panglalait ang restaurant na pagmamay-ari ni Ayesha mula sa mga Houston Rockets fans.

Puro one star lang kasi ang ibinigay na rating ng mga fans sa restaurant kaya kanina nag post ng mensahe ng suporta si Stephen sa kaniyang twitter account.


Ayon sa Golden State Warriors superstar kakain ito ng dalawang beses sa susunod na taon sa restaurant at oorder ito ng ribs, sheffish, burrata, duck wings at marami pang iba.

Binigyan din niya ng 5 star rating ang restaurant ng asawa.

Facebook Comments