Manila, Philippines – Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng public at private schools sa buong bansa na magsagawa ng educational at social activities kasabay ng pagdiriwang ng 2018 National No-Smoking Month ngayong buwan.
Base sa Presidential Proclamation No. 183 Series of 1993, idineklara ang buwan ng Hunyo bilang National No-Smoking Month.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, isusulong ngayong taon ang policy at guidelines tungkol sa comprehensive tobacco control sa lahat ng paaralan at tanggapan ng ahensya.
Magsasagawa rin aniya ang ahensya ng educational and information drive para palawakin ang kaalaman ng mga estudyante sa peligrong idinudulot ng paggamit ng tobacco at pagkaka-expose sa second-hand smoke.
Facebook Comments