Masayang tinanggap ng nasa animnapu’t dalawang (62) Tobacco Farmers sa Cauayan City ang kanilang livelihood assistance na ipinamahagi ng Provincial Government mula sa nakolektang Tobacco Excise Tax na ginanap sa F.L DY Coliseum, kahapon, Marso 9, 2022.
Tanging ang mga nagtanim lamang sa taong 2017 ang nakatanggap ng ayuda mula sa Barangay San Luis at nabigyan ng libreng bigas.
Samantala, may hiwalay rin na tulong ang kanilang matatanggap mula naman sa lokal na pamahalaan ng Cauayan City
Sunod naman na mapagkakalooban ang mga tobacco farmers na nagtanim para sa taong 2018.
Nagpapasalamat naman ang mga magsasaka sa kanilang natanggap na ayuda dahil ito ay laking tulong para sa kanila.
Facebook Comments