Tobacco Farmers sa Region 1 may pakiusap sa gobyerno

Dagupan City – Sa ginanap na press conference ng mga magsasaka ng tabako sa region 1 at Philippine Tobacco Growers Association, Incorporated dumadaing ang mga ito sa gobyerno na huwag munang isulong ang panibagong excise tax na balak ipataw sa produktong sigarilyo.

Ayon sa mga tagapagsalita ng tobacco farmers hirap sila sa ngayon sa kanilang sakahan at negosyo dahil sa biglaang pagbaba ng demand ng tabako dahil narin sa sobrang taas ng buwis na ipinapataw dito.

Mula kasi ng umpisahan ng gobyerno ang pagpapa-igting ng pagbubuwis ng mataas sa alak at sigarilyo, mula P2.72 kada pakete noong 2012 ang buwis sa sigarilyo ay umabot na ito ngayon sa P35 kada pakete na taon taon ay tumataas na.


Ayon sa datos ng National Tobacco Admistration na bumaba ang produksiyon nito mula 68 million noong 2013 ay bumulusok ito sa 48 million. Kaya naman ang daing ngayon nila sa gobyerno na huwag naman silang unti unti patayin na mga magsasaka at ang kanilang pamilya na umaasa sa industriya ng pagtatabako.

Facebook Comments