TOBACCO FARMERS, TUMANGGAP NG TULONG PINANSIYAL

CAUAYAN CITY- Napamahagian ng financial assistance ang mga magsasaka ng tabako sa Brgy. Turod, Quezon, Isabela.

Pinangunahan ni Mayor Jimmy Gamazon Jr. ang pamamahagi ng tulong, kung saan nakatanggap ang mga benpisyaryo ng P40,000 sa bawat ektaryang kanilang tinamnan sa taong 2019 at 2020.

Ayon sa butihing Mayor, itinaon sa buwan ng Hulyo ang distribusyon ng nasabing ayuda sa mga magsasaka upang makakatulong sa mga gastusin ng kanilang mga anak ngayong pasukan.


Malaking pasasalamat naman ni Punong barangay Loreto Ibuyat sa lokal na pamahalaan ng Quezon sa tulong na ibinigay ng mga ito para sa mga magsasaka ng kanyang nasasakupan.

Facebook Comments