TODA MEMBERS SA BAYAN NG STA. BARBARA, NAKATANGGAP NG AYUDA

STA. BARBARA, PANGASINAN – Nakatanggap ng ayuda ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Aabot sa 1, 000 benepisyaryo ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development Region 1 para sa mga ito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ayon sa alkalde ng bayan, nasa 1, 400 ang bilang ng mga TODA members sa bayan ngunit 400 lamang ang rehistrado sa mga ito.


Binigyan naman ng panahon ang ilang pang TODA members upang makapag parehistro nang makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Layon ng programa na matulungan ang mga tricycle drivers na apektado ng pandemya dulot ng COVID-19.

Inaasahan na sa susunod na buwan ay mabibigyan ng ayuda ang mga market vendors ng bayan.

Facebook Comments