TODAS | Lider ng sydicate crime group – patay sa pamamaril sa Calaca, Batangas

Batangas – Patay sa pamamaril ang lider ng Alvarez crime group sa Calaca, Batangas.

Mag-a-alas-12:00 ng tanghali kanina nang mangyari ang insidente sa national highway ng Barangay Puting Bato East.

Minamaneho umano ng biktimang si Junio De Gallo Alvarez ang kanyang tricycle papunang Balayan, nang bigla siyang pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek gamit ang kalibre 45 baril.


Naisugod pa sa ospital si Alvarez pero binawian din siya ng buhay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments