TODO DENY | Ogie Alcasid, itinanggi na siya ang dahilan ng paglipat ng asawa na si Regine Velasquez ng ibang TV network

Manila, Philippines – Todo deny ngayon ang singer / actor na si Ogie Alcasid na siya ang dahilan kaya naisipan ng asawang si Regine Velasquez na lumipat ng ibang TV network.

Nabatid kasi na may mga nagsasabing may kinalaman daw si Ogie sa nasabing isyu dahil siya daw ang nagkumbinsi kay Regine lalo na at tapos na ang ilang project nito.

Say ni Ogie, kahit minsan daw ay hindi siya nakialam sa mga desisyon ng asawa at natural lang daw na isipin iyon ng ibang entertainment press dahil nasa kabilang network siya.


Wala din daw siyang kinalaman saka iginiit na matalinong tao si Regine at kaya nitong panindigan kung ano ang kanyang desisyon.

Bukas naman si Ogie na makatrabaho si Regine kung sakaling matuloy nga ang paglipat nito.

Facebook Comments