TODO-TANGGI | Mag-live in partner, timbog sa buy-bust

Manila, Philippines – Timbog sa ikinasang buy bust operation ng Quezon City Police District Station 10 – Special Drug Enforcement Unit (QCPD 10- SDEU) ang mag-live in partner sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Payatas.
Kinilala ang mga nadakip na sina Charlie Dacuyan at Robeliza Gruta.
Sa una, isang plastic sachet ng shabu ang nakumpiska sa bulsa ni Dacuyan pero nang maghalughog na ang mga pulis sa bahay ng mga suspek ay nakakuha pa ang mga otoridad ng dalawang sachet.
Todo tanggi naman ang ginang na si Robeliza at sinabing hindi niya alam na nagtutulak ng iligal na droga ang kinakasama.

Facebook Comments